Wife Died After Two Months of Marriage

 


Jeff Avila netizen shared his eulogy on Facebook. Sadly, the unfortunate incident brought pain not only to the family but also to the Facebookers.  He just got married to his wife on July 24, 2021, and expired on September 24, 2021.

“Grabe, Napakabilis ng pangyayari Love! Hindi ko maimagine na ganito ang mangyayari sating dalawa ?????? Sobrang nanghihinayang ako kasi bago palang tayo nagsisimula bilang mag-asawa. 2 months palang tayo ngayon. Kaya pala love, nung magkausap tayo kahapon(sept.23) pinilit mo parin makapagsalita kahit hirap na hirap ka na at ang nabanggit mo lang ay 24, kaya lalo ako naiyak kasi sa hirap ng sitwasyon mo naisip mo pa na monthsary natin ngayon sa kasal..tas ito rin pala yung huling araw ng buhay mo..??????grabe lang love..


 #JULY 24, 2O21- WEDDING DATE

 #MARCH 24, 1995- BIRTHDAY MO

 #SEPTEMBER 24, 2021- ito na pala yung huling araw mo.??????


Ang dami dami pa natin pangarap na gustong abutin na magkasama. Pero naglaho ang lahat. Pero wag ka mag alala love sikapin ko parin na tuparin lahat yun.And yung last na bilin mo na wag ko pababayaan si mama yolly.. Yes, love pangako yun. Walang magbabago don dahil ang mama mo ay magulang ko narin. Hindi ko rin sya pabayaan gaya ng pag aalaga ko sayo. 


Basta love, mahal na mahal kita. Alam mo naman yun di ba?? Kasi nagkwento sakin ang mga nurse na nag aalaga sayo. Natutuwa ako na marinig na palage mo raw ako hinahanap at ako daw plage mo bukang bibig. Kahit medyo nagkakaproblema ka na sa pag iisip that time e hindi mo parin nalilimutan si dadee..Grabe lang talaga yung sinapit mo love..Hindi ko enexpect na aabot ka sa ganong sitwasyon. Sobra sobrang pain yung tinamo mo at hirap. Pero hindi ka parin agad bumitiw, pinakita mo parin samin na kaya mo at hindi ka susuko kahit alam naming hirap na hirap ka na. Kaya hindi karin namin sinukuan love, hindi ka namin binitawan hanggang sa huli.


Hindi ko alam kng makaka move on pa ba ako..Kasi napakahirap, hindi ko kayang kalimutan ang isang tulad mo. ??

Ngayon, atleast hindi ka na mhihirapan at masasaktan. No more pain love.! Makakasama mo narin si papa mo.Basta palage mo kaming gabayan ha. Ikaw ang magiging guardian angel ko love..

So pano?,pahinga ka na ha..ituloy nalang natin ang pagmamahalan natin sa kabilang buhay. Iloveyou so much asawako.”


Powered by Blogger.