Sachzna Laparan and Her Family Was Humiliated by an Ill-mannered Police Officer

 


Two hours ago today, November 22, 2021, Sachzna Laparan posted a video while their famly is eating at Kuya J’s restaurant. She shared their experience while the police officer was being impudent and even threatens them to be sued.


“LONG POST AHEAD! 

Gutom kami galing sa mahabang byahe, nag punta kami sa isang resto.. nung una nag hintay kami ng vacant table then after 5mins okay na.. fast forward. Nakakain & nakaupo na kami.. been there 20 mins already and pinareserve namin yung kabilang seat dahil may relative kaming dadating.”

“Then may umupo na mag couple after they sat, the manager approached them na narinig ni mama. Maayos na nakikiusap ang manager na kung pwede ba silang lumipat ng ibang table since marami naman ng available dahil reserve na nga yung table na inupuan nila. Then they refused at nilapitan kami ng manager para pakiusapan na baka pwedeng sa kabilang table nalang yung darating na relative. Pumayag kami agad kase mas malaki din naman yung table na lilipatan at pwede naman kaming lumipat. Akala namin ayos lang ang lahat, maayos na kumakain at nagkukwentuhan.. Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table at biglang galit nalang ng di namin alam. Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders.. Tinaasan sya ng boses at sinabing “ Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! ( habang nakatingin samin ) At naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain. Pero binastos kami at nagtanong si mama na ano pong problem and this happens…..


POLICE: Pinapalayas nyo kami! Ang babatos nyo (Which is wala namang kumakausap sa kanya sa table namin but the manager of the restaurant. So na weirdan kami sa mga nangyayari and he added…)

POLICE: POLICE AKO! GAANO BA KAYAMAN YAN! GUSTO MO BILHIN KO YAN! (REFERRING TO ME, AT WALA TALAGA AKO IDEA SA MGA NANGYAYARI)

Ate na kasama ng so called police: BUNTIS KASE AKO! BAKIT NYO AKO BAKIT NYO KAMI PINAAALIS?! (Wala namang nagpapaalis sa kanila, in fact kami na nga ang willing mag adjust)

MAMA: Kuya, Police ka pala eh! Diba dapat ikaw yung nagpoprotekta sa amin? (Lalo syang nagalit at sinabihan kaming mga bastos kayo, without knowing yung dahilan kung bakit ganoon sya kagalit.)”

“But deep inside.. takot kaming lahat kasama pa yung kapatid kong 15 years old. He was acting na as if galit sya at may binubunot sa bag nya. We were threatened na wag i-post yung mga videos na to dahil idedemanda nya kami ng CYBERCRIME. Na traumatize yung kapatid kong 15 years old sa mga ginawa nya pero pinaliwanag nalang namin na di lahat ng police ay ganyan mang trato ng ibang tao. Di man ako maalam sa batas pero alam kong dapat nating respetuhin ang bawat isa! Di natin dapat abusuhin kung ano mang kapangyarihan ang meron tayo at gamitin para ipanakot sa iba. Kung sa tutuusin, maliit na bagay lang naman pero di ko alam bakit kailangan pang umabot sa ganung point. “

“Nung nag start na ko mag video, pinapalabas nila na kami pa ang nang bastos. KAHIT WALA KAMI SINABING KAHIT ANO AGAINST SA KANILA. Weird. Then biglang tago ng pera na hinampas nya sa table nila.”

“Sabi ko sa sarili ko kailangan kong i-post to para magbigay ng awareness sa mga taong makaka encounter neto! I need to stand up and speak up to protect myself and my family. Paano kung sa iba to nangyari? Hahayaan na lang maliit maliitin ng ibang tao? Kasi takot. Kasi pinagbabantaan? I KNOW! THIS IS TRAUMATIZING! Pero sabi ko nga, I NEED TO SPEAK UP!”


“Alam kong delikado ang ginawa ko, pero I will be brave to speak up for my right and para sa kaligtasan ng pamilya ko! “

“May mga taong sasabihing sana di nalang pinatulan pero kung ikaw yung nasa sitwasyon, na gusto mo lang kumain ng matiwasay pero LALAPAGAN KA NG PERA AT AAKMAANG SILA PA ANG BINASTOS AT BIBILHIN KA. IKAW NA NAGPARAYA, IKAW PA NAGING MASAMA, AT BABANTAAN NG KUNG ANO ANO. Iba na yun. Magsasalita ako lalo nang alam kong nasa katwiran ako. “

“If you know this police! Wag nyong tutularan! I posted this video hindi para mag pahiya, kundi para magbigay ng awareness, that this can happen to anyone! Alam ng mga taong nasa resto na yun, kung ano nangyari. Even yung manager, natakot. Dahil sinabi nung Police na ipapaclose nya daw yung resto. At may binabanggit sya na “Ayala” na kakilala nya at kakausapin nya raw. Gusto namin sana makuha yung nasa CCTV pero mahabang process daw sabi nung manager. Pero sisikapin ko para makita natin lahat ang mga nangyari. “

“Mataas ang respeto ko sa mga police! At wag sanang sirain ng tulad nila ang mission and vision ng mga pulisya na TO SERVE AND TO PROTECT!

Note: di lahat ng detail nakunan namin dahil biglaan lang. mag-ingat po tayong lahat!”

Powered by Blogger.