Rob Moya at Toni Fowler, muling nagkabalikan?



Maraming netizen ang nagulat sa balitang nagkabalikan di umano si Toni Fowler at Rob Moya matapos nilang ibahagi sa social media ang sweet photo nila.

Sa buwan ng Enero ay nag hiwalay si Toni at Rob Moya na talagang ikinalungkot ng mga fans.


IKinumpirma ng sikat na vlogger na si Toni na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Rob.

Talagang maraming fans ang nanghihinayang sa kanilang loveteam at isa din sila sa kilalang mga vlogger dito sa Pilipinas.

Kamakailan lang, nagulat ang mga fans matapos mag-post ng sweet messages si Rob sa Facebook. Noong una’y wala pa siyang tina-tag, ngunit di nagtagal ay ipinakilala niya rin sa mga fans ang kanyang bagong girlfriend. Ito ay walang iba kundi ang business owner na si Jennifer del Rosario.


Mukhang wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa si Toni Fowler at Rob Moya. Noong una’y umasa pa ang mga fans ng dalawa sa social media na maaayos nila ang kanilang relasyon na nagtagal rin ng ilang taon. Ngunit kamakailan lang, pinatunayan ni Rob Moya na tuluyan na siyang nakamove-on mula kay Toni.

Ayon kay Rob Moya, ipinagdadasal niya na si Jennifer na sana ang kanyang “the one.” Sa mga photos at videos na ibinabahagi nila sa social media, makikitang sweet na sweet ang dalawa. Kinilig rin ang mga fans matapos makita ang chemistry sa pagitan ni Rob at Jennifer.

Kagabi lamang ay nagpost si Rob ng sweet na larawan nila ni Toni at may nakalagay na caption "Ikaw parin" at emoji na "puso".

Kinilig ang maraming netizens dahil nga ba ay nagkakabalikan na sila?

Masaya naman ang ibang fans dahil sa balitang nagkabalikan na di umano sila ngunit may mga netizen din na mga nagalit./

Powered by Blogger.