Larawan ni Andrea Brillantes na umiinom, Viral na sa social media!

 


Agad nagviral sa social media ang edited photo ni Andrea Brillantes habang katabi naman ang maraming alak.

Naging hot topic ngayon sa social media sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.


Matapos napansin ng mga fans na naka unfollow na si Andrea kay Francine.


Maraming nagsasabi na dahil ito sa Facebook post ni Francine na kasama ang buong pamilya at ang Kadenang Ginto co-star na si Seth. Agad na umikot ito sa social media dahil si Andrea ang love team ni Seth.

Agad din naman itong binura ng batang aktres pero madami na agad ang nakapag screenshot kaya lalong kumalat ang naturang post.


Kasabay nito ay ang Tiktok video ni Blythe na kapansin pansin ang tila bang namumugtong mga mata na akala mo ay kagagaling lang sa sobrang pag-iyak. May malalim na laman din ang lyrics ng background music na ginamit ni Andrea.


Dahil dito, may mga naisip na katuwaan ang mga netizens dahil sa pinagdadaanan umano ng aktres ngayon. Para din bang maraming “broken” ang nakaka relate sa on screen partner ni Seth.

Ramdam daw ng mga netizens si Andrea sa pagiging maganda daw nito pero hindi pa din siya ang pinili. Sa katunayan, ang iba pa nga ay nag edit ng larawan ni Andrea na nakikipag inuman ng alak.

Sa Twitter, nag post din ng poser account si Andrea na pinaparep0rt sa mga fans niya.

Powered by Blogger.