Ana Jalandoni, mayroon na palang asawa ayun kay Ogie Diaz!

 


Marami ang hindi nakakaalam na mayroon na palang asawa ang kontrobersyal aktres na si Ana Jalandoni.

Sa latest showbiz update vlog ng beteranong entertainment columnist at talent manager ay ito ang kanyang ibinahagi.


Ayun sa kwento ni Ogie ay nakilala na niya si Ana na isa ring aktres. At producer dahil inilibre siya sa pag-aari nitong Korean restaurant.

“Ito’y nakarating lang sa akin mula sa kaibigan ni Ana na parang selos (dahilan ng panan4kit umano sa kanya ni Kit). Nakausap ko si Ana Jalandoni dahil nagkita kami sa kanyang Korean restaurant. At doon nga ay trineat tayo ni Ana nito lang, kailan lang,” panimula ni Ogie.


At doon na nga niya nabanggit na aware umano si Kit Thompson na may asawa na ang kanyang nobya.

“Tapos para makipagbalitaan ganyan. So, nakilala ko si Ana at sinabi naman niya na siya ay may ex-husband, at aware naman si Kit tungkol dito,” saad pa ni Ogie.'


Ikinwento din nito na habang magkasama sila ni Ana ay tinawagan ito ni Kit at nakapagtsikahan pa sila. Nagbigay din umano siya ng payo sa aktres.


“So, nu’ng pagbaba nu’ng phone sabi ko kay Ana, ‘Alam mo Ana, ikaw nakipagrelasyon ka sa showbiz, madalas na nangyayari na hindi nagtatagal pag pareho kayong actor and actress. Sabi ko, i-enjoy mo lang huwag masyadong pakalunod sa pag-ibig sabi ko sa kanya.”


At dahil sa naganap na insid3nte kina Kit at Ana ay mukhang tama nga ang mga sinabi ni Ogie.

Powered by Blogger.