Buong detalye sa paghihirap ni Ana Jalandoni sa karelasyong si Kit Thompson!

 


“We condone any act of violence, especially against women. As we celebrate the Women’s Month, we coudn’t stress enough the inherent role of the PNP to protect the rights of every woman in society,” bahagi ng statement ng PNP tungkol sa pananakit sa sexy star na si Ana Jalandoni ng karelasyon niyang si Kit Thompson.


Kahapon nga ay ni-rescue ng mga police ang sexy star na si Ana sa isang hotel sa Tagaytay.

Ayon sa pahayag ni Ana, nagkaroon sila ng misunderstanding ng actor na nagresulta sa pananakit nito.

Diumano ay sinaktan siya nito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.


Matapos ang matagumpay na rescue operation, isinugod si Ana sa hospital para gamutin. Dinala naman sa tanggapan ng pulisya si Kit para imbestigahan sa mga pangyayari.

Nag-trending si Kit dahil sa kumalat na photos ni Ana na may black eye.


Nag-post din si Ana na magsasalita sa mga totoong naganap sa kanila ng actor kung saan tinatanong niya kung totoong minahal kaya siya ni Kit?


 “When you love someone you will never ever harm them.

“Minahal mo ba talaga?

“This is me saying, you all should be careful out there. I can’t reply to all of you right now but thank you for checking up on me.

I will release a statement soon.”

Powered by Blogger.