Jeric Raval, tapat na inamin na hindi hahadlangan sina AJ Raval at Aljur Abrenica!

 


Sa isang panayam ng dating kolumnistang si Benny Andaya, naibahagi ni Jeric Raval ang kanyang saloobin kaugnay sa pag-uugnay kay Aljur Abrenica sa anak niyang si AJ Raval.

Aminado si Jeric Raval na nasasaktan siya kapag tinatawag na kabit ang kanyang anak na si AJ Raval. Sa isang video na ibinahagi ng dating kolumnistang si Benny Andaya, naibahagi ni Jeric na nagmamahalan umano sina AJ at Aljur Abrenica.


Aniya, mas gugustuhin niya sana kung ibang lalaki ang maiuugnay sa anak niya nang hindi ito nababatikos kagaya ng nararanasan nito sa pagkakaugnay kay Aljur. Nakausap niya na rin umano si Aljur at maayos naman daw itong kausap.

Natutunan na rin ng dating action star na huwag dibdibin ang mga negatibong komento sa kanyang anak. Aniya, masakit man para sa kanya na makarinig nang hindi maganda sa anak niyang inalagaan niya at minahal.


"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos. Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito."

Mabuti na lamang umano at wala siyang social media account kaya hindi masyadong nababasa ang mga pangungutya sa anak. Pinapayuhan niya umano ang dalawa na dapat nasa ayos ang lahat dahil sa ayaw at gusto nila ay madadamay at madadamay ang pangalan niya dahil siya ang ama ni AJ.


Ang baguhang sumisikat na aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang sumikat si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap.

Powered by Blogger.