KD Estrada, ipinagtanggol si Alexa Ilacad sa basher na nanlait sa kanya!

 


Burado na ang komento ng isang basher na inihalintulad si Alexa Ilacad sa isang LPG tank.

Hindi nag-atubili si KD Estrada na ipagtanggol si Alexa Ilacad laban sa isang basher. Sa isang buradong tweet, binahagi ng basher ang collage ng picture ni Alexa at ng isang LPG tank.


Ikinumpara nito si Alexa sa tangke ng LPG. Dahil dito, agad na nagviral ang kanyang tweet at kinuyog siya ng mga tagahanga at tagasuporta ng aktres. Sinagot naman ito ni KD sa pamamagitan ng isng Tweet.

kapal ng mukha neto ganda ka?

Matapos ipagtanggol ni KD si Alexa, burado na rin ang tweet ng naturang basher at maging ang kanyang account ay hindi na aktibo.


Narito ang komento ng ilang tagasuporta ng Tambalang KDLex:

Hayaan mo nalang Kd wag mo nang patulan sweethearts na bahala I rereport nalang namin mga troll account lang Naman Sila sweethearts na bahala Kd habang nakikinig kami sa kanta mo hahanapin nalang namin mga kapanalig nian para ma report na at d na magkalat don't mind them Kd 

Super Ganda ni Alexa at super bait pa total package na sya...jusko kayo mga bashers atupagin nyo Buhay nyo..


BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person's body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up. I cannot emphasize than enough. Grow up, people. Taaka, ang ganda kaya ni Alexa!

Matatandaang napag-alaman noong nasa PBB house si Alexa na dumanas ito ng major depressive disorder dahil sa body dysmorphia.

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Powered by Blogger.