Misis, ibinenta ang mga gamit ni Mister na "sumakabilang bahay"

 


Bentang-benta ang ginawang live selling ni Jamille Margarita Galvez ng Gapan, Nueva Ecija, isang online seller, noong March 24, 2022.

Sa naka-pin niyang post sa kanyang Facebook, ibinenta niya ang mga gamit ng kanyang asawa—na ayon kay Jamille ay “sumakabilang bahay na.”


Very funny rin ang kanyang mga hugot lines.

Babala niya sa mga buyers, “Buy at your own risk. May sumpa ito sigurado. Magiging babaero yung BF o asawa ninyo!”

Hirit pa niya, “Super mura lang, kasi di naman marunong magmahal yung may-ari.


“Lahat ng items ay matino pa, yung may-ari lang ang hindi.

“Orig lahat ito walang fake. Di naman ako manloloko gaya nung may-ari.”

May mga pasaring din siya gaya ng: “Walang laspag dito, yung kabit lang niya.

“Huwag mag-mine kung di mo kayang panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko.”


Dagdag pa niya, ganito dapat ang babae na business-minded pag niloko ng mister.

Humingi rin siya ng suporta sa ibang misis na sumakabilang bahay rin ang mga mister na paki-share ang kanyang live selling.

Noong March 25, ang kanyang post ay mayroon ng 1.5K reactions, 1.3K comments at nai-share na ng 798 beses.

Bukod sa mga nag-mine ng mga items, makukulit din ang comments ng netizens.

Ito raw ang pinakamasaya at pinakamagandang “revenge” na nasaksihan nila mula sa isang misis na ipinagpalit ng mister sa ibang babae.


May mga nagsabing gagayahin nila ang ganitong style pag nagloko ang kanilang boylet.

Mabenta naman ang naging live selling ni Jamille ng mga branded na gamit ng sumakabilang bahay na mister, na ang presyo ay nagre-range sa PHP1,000 pataas.


Powered by Blogger.