Rabiya Mateo, rumesbak sa kanyang basher matapos siyang lait-laitin na "talunan"! sa kanyang Tiktok Video!

 


Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo palaban na nakipag-bardahan sa kanyang bashers na nag-iwan ng negative comments sa kanyang Tiktok Video.

Nitong Martes, March 22, 2022, nagbalik-tanaw si Rabiya sa pageant days niya at nag-upload ng video ng kanyang pasarela sa training bago lumaban sa Miss Universe 2020 na naganap sa Florida, U.S.A. noong May 2021.


Sa video, makikita si Rabiya suot ang kanyang pulang bikini habang pina-practice ang kanyang "Hala Bira" walk.

Sa caption ng kanyang post, sabi ni Rabiya, "Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?"

May mangilan-ngilang bashers na pinatulan si Rabiya sa comments section ng kanyang TikTok post.

Ang isa sa mga ito, tila minaliit ang kanyang Top 21 placememt sa Miss Universe 2020 pageant.


Ngunit natatawang reply ni Rabiya: "Atleast di binabayaran hahahaha"


Marami rin sa followers ni Rabiya ang humikayat sa former beauty queen na sumali pa ito ng ibang pageant gaya ng Miss World Philippines o kaya naman Miss Philippines Earth.

Ngunit may ilang bashers ang kumontra rito. Sabi ng basher na nagtago sa isang dummy account na UNKNOWNS ACCOUNT, "wag na talo ka naman e."

@rabiyamateo Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again? #missuniverse #missuniversephilippines #rabiyamateo ♬ My Universe - Coldplay x BTS

Hindi naman ito umubra kay Rabiya at sinagot ang basher.

Palabang reply ng Kapuso actress: "Hahaha talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo padin. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha"

Marami ring nagpahayag ng suporta kay Rabiya. Ang ilan nga sa mga ito ay nakikipagsagutan din sa bashers ng beauty queen.

Sabi ng TikTok user na si @bartsinda, "mam Ibyang bashers po ako ng mga bashers nyo"


Ngunit sabi ni Rabiya sa kanyang fan, huwag na lang pansinin ang mga ito.

Aniya, "Yaan mo na mga basher. Habang puro sama ng ugali pinapakita nila tayo umaabante lang sa buhay. Kung sa teleserye, tayo yung bida, sila kontrabida."

Mensahe naman ng TikTok user na si @opeey para kay Rabiya, "BASHER LANG SILA. QUEEN KA [emoji] KAYA LABAN ATE RABIYA"

Nag-iwan din ng comment ang TikTok user na si Ma. Aira Krizel Corte. Sabi nito, "go Ate Rab support ka namin palagi."


Sa huli, nagpasalamat si Rabiya sa kanyang fans sa patuloy na suporta ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa 25-year-old beauty queen, tapos na ang kanyang laban sa pageants.

Aniya, "Thank you sa warmest support guys. These were my training videos. Tapos na po laban natin. Time ko naman maging supportive Ate sa next MUPH."

Powered by Blogger.