Moira dela Torre, viral matapos ang balitang hiwalay na sila ng kanyang mister na si Jason!

 


Moira dela Torre, viral matapos ang balitang hiwalay na sila ng kanyang mister na si Jason! Nangunguna ngayon sa trending list sa Twitter ang balitang hiwalay na umano si Moira at Jason! Batay sa tweets ng mga netizen, napansin umano nila na burado na sa instagram ang mga larawan nila ng kanyang mister na si Jayson. Sa Instagram naman ni Jason, naroon pa ang mga posts niya na kasama ang misis, subalit palaisipan sa mga netizen ang kantang ginawa niya. May pamagat itong ‘Wag Kang Lalapit’.

“Wag kang lalapit diyan ka lang At baka makita ang lahat ng aking kahinaan Pilit kong tinakpan.”


“At Kung malaman mo kaya, mga kasalanang nagawa, kaya bang matanggap Pag di na ako nagpanggap.”


“Prechorus: Hindi na ko yun Sana’y mabigyan ng pagkakataon…”


“Chorus: Iibigin mo pa ba ako? Pipiliin mo pa ba ito? Nakaraang pinagsisihan, gusto ko nang makalimutan, hanggang diyan ka na lang, kung ayaw mong masaktan.


Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:


“WTF I was just about to sleep, but then I saw a vid on TikTok saying that Moira Dela Torre and Jason parted ways??????? Yoooo WTF is happening!!!???????? April you’re too much.

@achieeeeeeeeeee true ba??? Walang matutulog for today's videowwwww! #ctto #fypシ #moiradelatorre #jasonhernandez ♬ Patawad - Moira Dela Torre

“OMG how true this?? Mukhang nangyari na ang mga hugot songs ng ate mo?”


“She changed it from Moira Rachelle Hernandez to Moira Rachelle, but Jason hasn’t removed the ‘married to’ info on his Facebook yet, so is there still hope?”


“Baka mamatay na tayo sa sakit pag gumawa ulit si Moira ng new songs niya.”


“Ano ‘to, promotion ng new project? Baka it’s a prank lang huhuhu, ‘wag naman Moira…”


Makikita sa mga IG stories ni Moira na tumungo ito ng Singapore ngunit hindi niya kasama ang mister; bagkus ang mga kaibigan at manager niya ang kasama rito.


Ikinasal sina Moira at Jason noong Enero 14, 2019 sa pamamagitan ng isang garden wedding. Naging trending ang kanilang engagement noong Abril 2018 dahil nangyari ito habang ginagawa ang music video ng hit song niyang ‘Tagpuan’. Kinakiligan din ang kanilang duet hugot song na ‘Ika at Ako’.


Samantala, wala pang reaksyon, tugon, kumpirmasyon, o pahayag sina Moira o Jason tungkol sa kumakalat na chikang ito sa social media.


Powered by Blogger.