Andrew Schimmer, kinakayang alagaan ang kanyang asawa na may sakit kahit kinukulang sa tulog!



Andrew Schimmer, ibinahagi na isang oras lang ang kanyang tulog kadalasan ngunit nakakayanan naman.

Ayon kay Andrew, nakasanayan niya na balansehin ang trabaho, oras sa mga anak at pag-aalaga ng kanyang asawa.


Emosyonal si Andrew Schimmer habang ibinabahagi ang kwento ng buhay nila ng kanyang dalawang anak matapos dalhin ang kanyang asawa sa ospital. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi niyang halos isang oras lang ang tulog niya kadalasan ngunit nakakayanan naman niya.

Sa loob ng halos siyam na buwan, naitawid naman niya ang pangangailangan ng asawa at mga anak niya. Kahit papaano ay nakakapagtrabaho siya. Nabibigyan niya din ng oras na matulungan ang mga anak sa pag-aaral at hands-on din siya sa pag-aalaga sa kanyang asawa.


Pinagpapasalamat niya ang mga tulong na ipinaaabot ng mga taong nakakakita at naantig sa kanilang kwento. Hangga't nakikita niya daw na lumalaban ang kanyang asawa ay hinding-hindi niya ito susukuan.

Ikinuwento din ng aktor na ang kanyang asawa ay isa na sa mga pinakamatagal na pasyente sa St. Lukes.


Ibinahgi din niya na ayaw niyang pahirapan ang kanyang asawa dahil mahal niya ito ng sobra. "HINDI LALABAS SI MOMMY NG HOSPITAL KAKO, HINDI AKO PAPAYAG"

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't dudurugin kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Powered by Blogger.