Beteranang Aktres Na Si Cherie Gil, Pumanaw na!

 


Marami ang nagulat sa balitang pumanaw na ang beteranang aktres na si Cherie Gil.

Kinumpirma ito ng kanyang pamangkin na si Sid Lucero.

Ilang celebrity na ang nag-post ng pakikiramay sa pamilya ni Cherie Gil kabilang na sina Annabelle Rama at Lara Morena.


Ani Annabelle, pumanaw si Cherie kaninang alas-5 ng hapon, August 5.

“Cherie Gil just passed away at 5PM today please pray for her,” tweet ni Annabelle nitong gabi, August 5. “RIP Cherie Gil.”

“You were and are still an inspiration to all, with a heart that radiated love and warmth through all our lives. You will truly be missed and forever remembered. Even in death you are still loved and forever will be. Rest In Peace Ms. Cherie Gil,” sabi naman ni Morena sa isang FB post.

Pumanaw ang kalabang mortal ng Megastar sa mga pelikula sa edad na 59.

Matatandaang nitong Pebrero ginulantang ni Cherie Gil ang kanyang fans matapos niyang magpakalbo.

Ayon sa veteran actress, bahagi ito ng kanyang “rebirth” dahil magsisimula siya ng bagong buhay sa New York. Sa New York nakatira ang mga anak ni Cherie.

Ibinunyag ito ni Cherie sa anniversary issue ng lifestyle magazine na Mega.

Maliban sa pagpapakalbo, ibinenta raw niya ang lahat ng mga ari-arian niya sa bansa dahil hindi na siya masaya. 



Powered by Blogger.