Cherie Gil, ibinenta ang mga ari-arian bago pa man ito pumanaw!

 


Kilala bilang isang sikat na aktres si Cherie Gil dahil sa kanyang pagiging kontrabida. Hindi maitanggi ang kanyang naging malaking ambag sa industriya ng showbiz dahil isa siya sa nakatanggap ng multi-award.

Nagdesisyon ang aktres na doon muna siya manirahan sa ibang bansa.


Sa isang panayam sa kanya ng MEGA Magazine, ipinahayag niya sa publiko ang planong pag-alis sa bansa at desisyon na manirahan na sa United States kung saan naka-base ang kanyang dalawang anak.

Makikita sa cover ng magazine ang kanyang larawan na wala ng buhok. Nagpakalbo ang aktres at isa ring pahiwatig ng bagong kabanata ng kanyang buhay.

Hindi lingid sa marami na ang pagbabago ng buhok ng isang babae ay isang pahiwatig ng pagbabago sa kanyang buhay. Ito ay simbolo ng pagmo-move on at pag-move forward ng bagong pahina ng kanilang buhay. At para kay Cherie Gil, ang pagbabago ng kanyang buhay ay ang bagong simula niya sa pagtira sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak.


Sa tagal ng panahon niya sa industriya ng showbiz ay napabayaan na umano ni Cherie Gil ang kanyang sarili. Dahil sa pagiging abala niya sa trabaho ay nakaramdam na umano siya ng pagod physically at mentally, at gusto niya ng magpahinga na at ma-enjoy ang kanyang buhay.

Ayon naman sa hiwalay na ulat ng isang kilalang entertainment site, nabanggit ng beteranang aktres na ibinenta na niya lahat ng kanyang mga naipundar na mga kayamanan sa Pilipinas at lumipat sa New York.


Sa masamang balita ay pumanaw si Cherie Gil alas 5 ng hapon Aug 5, 2022 matapos itong kinumpirma ng kan yang pamangkin na si Sid Lucero.

Maraming kapwa artista ang nalungkot at nakikiramay dahil sa kanyang biglaang pagpanaw.

Powered by Blogger.