Jane de Leon, emosyonal na inamin ang paghihirap ng kanyang pamilya noon "Minsan asin lang inuulam namin"


Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Ogie Diaz na ibinahagi ni Jane de Leon ang kanyang naging buhay bago siya maging artista.

Ikinuwento ng aktres ang kanilang buhay noon at maayos naman ang kanilang pamumuhay at mayroon silang sariling bahay, kotse, at ari-arian.


Nagsimulang magbago ang lahat ng maloko sa negosyo ang kanyang ama sa mismong kaibigan nito.

Dahil sa pangyayari ay natrau-ma ang kanyang ama kung kaya't hindi na ito nakapagtrabaho.

Naging kapos sila sa puntong hindi makabili pa ng kanilang araw-araw na pangangailangan.

Paglalahad ng aktres, "Wala talaga kaming makain na asin lang po talaga kinakain namin. Walang-wala po talaga kaming pera.


"Nawalan ng trabaho si Papa. si mama po ang nagtatrabaho para sa amin.

"Parang naging househusband na si Papa. Minsan kapag walang wala kami, siyempre suweldo ni Mama hindi naman enough sa amin.

"Minsan yung kinakain nalang namin asin, tapos kung alam niyo tuyo na may mantika."

Aniya din ng aktres, "Sa sobrang wala po talaga kaming pera, kahit piso po talaga wala.yung manok ng kapitbahay namin pumasok sa bahay, kinuha ng tatay ko, kinatay niya ginawa niyang adobo.


"Ganun po kami ka desperado na makakain nung araw na yun.. Hindi rin po namin alam kung saan galing yung ma nok. Siguro biyaya na lang ng Panginoong Diyos yun sa makatawid kami sa gutom."

Labis naman ng panghihinayang ni Jane na maagang pumanaw ang kanyang ama at hindi na niya naparanas dito ang maganda at marangyang buhay na meron siya ngayon.

Humahagulhol niyang saad, "Kung nandito si Papa talaga, kung anuman ang nangyari since nung bata pa siya,  pati yung naloko siya, gusto ko po palitan lahat ng yun, kaso wala na po si Papa.

"Ang hirap, kasi gusto ko bumawi sa kanya, sobra.

"Gusto kung ipa-experience po sa kanya lahat ng sarap ng buhay meron kami ni Mama."


Ibinahagi rin ni Jane ang mga pagsubok na kanyang dinanas nang magsimula siyang pumasok sa mundo ng showbiz at sa grupong GirlTrends ng "Its Showtime".

Laguna kami, QC to laguna ang layo. Magkano lang po yung TF ko noong panahon  na yun. Akala ko nga, kahit ganung kaliit ang TF ko ay ang laki-laking bagay na sakin nun.


"Para po makapasok kami sa trabaho kinabukasan. ang ginagawa po namin ni Mama, hindi alam ng ABS-CBN' to, doon po kami natutulog sa dressing room.

"Minsan po tumatambay po kami sa convenience store. Iidlip kami sa convenience store, iidlip kami kung saan-saan.

"Kahit po doon sa taas ng MRT, sa gilid. Umiidlip po kami ni Mama dun."

Nagulat si Ogie Diaz sa naging pahayag ng aktres, kung kaya't kinumpirma nito kung ganoon ba talaga kahirap ang buhay niya noon.

Sagot ni Jane, "Sobra po talaga, ginapang ko po, ginapang po talaga namin lahat."

Si Jane Florence Benitez de Leon ay ipinanganak noong November 22, 1998 sa Quezon City.

Powered by Blogger.