Joshua Garcia, inamin na nagkagusto siya sa isang sikat na Fil-Am Tiktok Superstar!

 


Matatandaang kamakailan ay inamin ni Bella na crush niya ang aktor na si Joshua Garcia sa interview sa kanya ni MJ Felipe ng TV Patrol.

Kinumpirma ni Joshua Garcia na nagkakausap na nga sila ng Fil-Am TikTok Superstar na si Bella Poarch.


Ilang beses na rin pala nilang sinubukang magkita ngunit nga lang hindi natutuloy.

"Nagkakausap kami. Parang June ata dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy 'yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. So parang July 2 ata pupunta siya pero hindi rin naman so, hindi natin alam," kwento ng aktor.

Nilarawan pa ng aktor na good friends sila ni Bella. Pagbibiro pa nito, hinanap pa niya ang kanyang 'English' sa pakikipag-usap kay Bella.


"May mga konting katanungan, hinanap ko pa 'yung English, pero nagta-Tagalog naman siya," dagdag pa ni Joshua.

At dahil nabanggit ni Bella binabalak nitong umuwi sa Pinas sa darating na Kapaskuhan, hiling ni Joshua na magkita na sila at matupad din ang pangarap ni Bella na makapag-perform sa ASAP.

"Thank you and sana makita kita. Magpakita ka sa'kin. 'Di ba? Exciting!," pagtatapos ni Joshua.

Narito ang kabuuan ng panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol, ABS-CBN News kay Joshua Garcia.


Si Bella Poarch ay ang Fil-Am TikTok Superstar na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pinoy. Aliw na aliw ang mga Pilipino tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post kung saan naisama pa niya si Joshua Garcia.

Powered by Blogger.