Pastillas Girl, pinasilip ang video kung saan sumailalim sa Operasyon!

 


Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Inamin naman ni Angelica na nasasaktan siya sa mga pang-ba-bash at pambabatikos ng mga fans ng AlDub. Isa si Angelica sa kasalukuyan sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 3 milyon ang subscribers. Kamakailan ay pinakita nito ang bagong bahay na tinitirahan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. ng Ex-Battalion.


Pinakita ni 'Pastillas Girl' Angelica Yap ang kanyang rhinoplasty journey. Nilinaw niyang isa sa dahilan ng kanyang pagpapaopera ay dahil gusto niyang umayos ang paghinga niya dahil matagal nang barado ang isang bahagi ng ilong niya.

Alagang-alaga naman siya ng kanyang boyfriend na si Flow G matapos ang kanyang operasyon. Nang bago pa lamang ang kanyang operasyon ay namaga din ang mukha niya. Gayunpaman, nang tinanggal na ang tahi at ang takip sa kanyang ilong ay natuwa siya sa kinalabasan.


Hindi umano masyadong nag-iba ang mukha niya at kaunti lang ang binago sa kanyang ilong. Naramdaman niya din na mas maginhawa na ang kanyang paghinga kahit hindi pa tuluyang naghilom ang mga sugat sa kanyang pagpapaopera.

Masaya naman siya nang makita ang kinalabasan ng pinagawa niya matapos matanggal ang takip sa kanyang ilong.

Panoorin ang video:


Powered by Blogger.